Hakbang 1: Kunin ang iyong mga key
- Gumamit ng built-in na security key ng compatible na telepono
- Bumili ng Mga Titan Security Key mula sa Google Store
- Mag-order ng compatible na security key mula sa retailer na pinagkakatiwalaan mo
Kung gusto mong mag-sign in gamit lang ang iyong security key at laktawan ang password mo kapag posible, dapat kang gumawa ng passkey. Para gumawa ng passkey, dapat sinusuportahan ng iyong security key ang FIDO2 protocol.
Kung gusto mong gumawa ng passkey sa FIDO2 na hardware na security key na idinagdag sa iyong Google Account bago ang Mayo 2023, posibleng kailangan mo munang alisin ang security key na ito sa iyong account. Kapag naalis na ito, makakagawa ka na ng passkey sa security key na ito.
Tip: Puwedeng gamitin ang anumang FIDO1 o FIDO2 na security key bilang ikalawang hakbang para sa 2-Step na Pag-verify.
Hakbang 2: Magdagdag ng key sa iyong account
- Magbukas ng compatible na browser, tulad ng Chrome, Firefox, o Safari (13.0.4 o mas bago).
- I-enroll ang iyong security key. Baka kailanganin mong mag-sign in.
Hakbang 3: Mag-sign in gamit ang iyong key
Mahalaga: Kung gagawa ka ng passkey sa iyong security key, iba-bypass mo ang ikalawang hakbang sa pag-authenticate, dahil vine-verify nito na nasa iyo ang device mo. Kung gusto mong palaging gamitin ang iyong password, puwede mong baguhin ang default na preference na ito sa mga setting ng iyong account.
Ang mga security key ay isang mas secure na ikalawang hakbang. Kung may iba ka pang naka-set up na ikalawang hakbang, gamitin ang iyong security key para mag-sign in saanman posible. Kung hindi gagana ang security key sa iyong device o browser, posible kang makakita ng opsyong mag-sign in na lang gamit ang isang code o prompt.
- Sa iyong computer, magbukas ng compatible na browser tulad ng Chrome, Firefox, Edge, o Opera.
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Made-detect ng iyong device na may security key ang account mo.
- Ikonekta ang iyong key sa port ng USB sa computer mo.
- Kung makakita ka ng mensahe mula sa "Mga serbisyo ng Google Play," i-click ang OK.
- Kung hindi, magpatuloy sa hakbang 4.
- I-activate ang iyong key:
- Kung may gold disc ang iyong key: I-tap ito.
- Kung may gold tip ang iyong key: I-tap at pagkatapos ay pindutin ito.
- Kung may button ang iyong key: Pindutin ito.
- Kung wala ang iyong key ng alinman sa mga feature na ito: Posibleng kailangan mo itong alisin at ilagay ulit. Nao-off ang ganitong uri ng key pagkatapos ng bawat paggamit.
Tip: Puwede mong gamitin ang iyong key sa tuwing magsa-sign in ka o laktawan ang paggamit nito sa mga device na pinagkakatiwalaan mo.
Kung makukuha mo ang error na "Kailangan mong irehistro ang Security Key na ito sa iyong Google Account bago mo magamit ito para mag-sign in:"
- Subukang mag-sign in gamit ang ibang account.
- I-update ang iyong Serbisyo ng Google Play.
- Para idagdag ang natukoy na account, subukang mag-sign in ulit.
Ayusin ang iyong mga security key
Puwede mong pamahalaan ang iyong mga security key sa ilalim ng mga setting mo sa 2-Step na Pag-verify. Makikita mo roon ang listahan ng mga key na idinagdag mo, mula sa pinakabago hanggang sa pinakaluma. Makikita mo rin ang higit pang impormasyon gaya ng pangalan ng key, petsa kung kailan ito idinagdag, at kung kailan ito huling ginamit. Ang default na pangalan ng key ay “Security Key” maliban kung pipili ka ng custom na pangalan.
May opsyon ka ring i-edit ang pangalan ng bawat security key o i-delete ito.
I-rename ang iyong mga security keySa tabi ng bawat security key, mag-click sa icon ng lapit para i-edit ang pangalan nito. Nangangahulugan ito na kung marami kang security key, mas mahusay mong matutukoy ang mga iyon gamit ang custom na pangalan.
Sa tabi ng isang security key, mag-click sa icon ng trash para alisin ito para hindi na ito maging konektado sa iyong Google Account. Kapag inalis mo ang iyong security key, hihingan ka ng kumpirmasyon. Posibleng kailangan mo ring i-sign in ulit ang iyong Google Account.
Kung hindi mo magamit ang iyong security key, puwede kang bumuo ng security code para sa 2-Step na Pag-verify:
- Sa device na naka-sign in sa iyong account, pumunta sa g.co/sc.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Kailangan ng ilang security key ng karagdagang pag-verify, gaya ng PIN.
Kung na-lock ang iyong security key dahil sa maraming paglalagay ng maling PIN at kailangan itong i-reset:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa
.
- I-click ang Mga Setting
Privacy at seguridad
Seguridad
Pamahalaan ang mga security key
I-reset ang iyong security key.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Tip: Puwede mong gamitin ang Chrome para i-reset ang iyong na-lock na security key. Pumunta sa chrome://settings/securityKeys.
Kung nawawala ang iyong security key, para magkaroon ulit ng access sa account mo at maprotektahan ito, sundin ang mga hakbang para sa uri ng 2-Step na Pag-verify na ginagamit mo:
- Mga code sa pag-verify
- Mga prompt ng Google
- Mga backup code
- Mga Passkey
- Ibang security key na idinagdag mo sa iyong account
- Nakarehistrong computer kung saan mo dating pinili na hindi magdagdag ng code sa pag-verify
Kung may isa ka pang ikalawang hakbang
- Mag-sign in sa iyong Google Account gamit ang iyong passkey o ang password mo at isa pang ikalawang hakbang.
- Sundin ang mga hakbang para alisin ang nawawalang key sa iyong account.
- Kumuha ng bagong security key.
- Mainam kung mayroon kang isa pang key na maitatago mo sa ligtas na lugar.
- Idagdag ang bagong key sa iyong account.
Kung wala kang isa pang ikalawang hakbang o nakalimutan mo ang iyong password
Mahalaga: Nangangailangan ang 2-Step na Pag-verify ng isa pang hakbang para mapatunayang pagmamay-ari mo ang isang account. Dahil sa dagdag na seguridad na ito, puwedeng abutin nang 3-5 business day bago masigurado ng Google na ikaw ang sumusubok na mag-sign in.
- Sundin ang mga hakbang para ma-recover ang iyong account. May ilang bagay na itatanong sa iyo para makumpirmang account mo ito.
- Puwedeng hilingin sa iyong:
- Maglagay ng email address o numero ng telepono kung saan puwedeng makipag-ugnayan sa iyo.
- Maglagay ng code na ipinadala sa iyong email address o numero ng telepono. Nakakatulong ang code na ito na tiyaking naa-access mo ang email address o numero ng telepono na iyon.