Malapit nang i-on ng Google ang 2-Step na Pag-verify para sa maraming account. Mabilis at madali ang paggamit ng ikalawang hakbang para mag-sign in, at ginagawa nitong mas secure ang iyong Google Account.
Paano gumagana ang 2-Step na Pag-verify kapag naka-on na ito
Panatilihing nasa malapit ang iyong telepono kapag nag-sign in ka.
Kung magsa-sign in ka gamit ang password, may gagawin kang ikalawang hakbang, karaniwang sa iyong telepono. Puwede kang mag-tap sa prompt ng pag-sign in na ipapadala ng Google sa iyong telepono, o maglagay ng code na natanggap mo bilang text. (Posibleng may malapat na mga singil mula sa iyong carrier.) Nakakatulong ito sa Google na tiyaking ikaw talaga ang nagsa-sign in.
Para mag-sign in gamit ang simple at secure na alternatibo sa mga password, puwede kang gumawa ng passkey. Gamit ang passkey, puwede kang mag-sign in sa Google Account mo gamit ang iyong fingerprint, scan ng mukha, o lock ng screen ng telepono, gaya ng PIN. Kapag nag-sign in gamit ang passkey, iba-bypass ng passkey ang ikalawa mong hakbang sa pag-authenticate dahil vine-verify nito na ikaw ang may hawak ng iyong device.
Hindi mo na kailangang mag-sign in nang mas madalas kaysa sa ginagawa mo ngayon. Magsa-sign in ka lang kapag gumagamit ng bagong device, o kapag kailangang tiyakin ng Google na ikaw talaga ang nagsa-sign in.
Tip:
- Bilang default, kapag gumawa ka ng passkey, mag-o-opt in ka sa experience ng pag-sign in na passkey muna at walang password. Kung gusto mong palaging gamitin muna ang iyong password, puwede mong baguhin ang default na preference na ito sa mga setting ng iyong account.
Paano nakakatulong ang 2-Step na Pag-verify na protektahan ang iyong personal na impormasyon
Mahalaga sa mga hacker ang personal na impormasyong ito sa mga online account. Ang pagnanakaw ng password ang pinakakaraniwang paraan kung paano nakokompromiso ang mga account.
Halimbawa, karaniwang nililinlang ng mga mapanlinlang na mensahe o kamukhang site ang mga tao para ibahagi ang kanilang mga password. Karaniwan ang mga scam na ito sa pagnanakaw ng password at maging ang mga eksperto ay naloloko paminsan-minsan.
Sa pamamagitan ng pag-sign in gamit ang password at ikalawang hakbang sa iyong telepono, napoprotektahan ka laban sa mga scam sa pagnanakaw ng password. Kahit na may makakuha ng iyong password online, wala silang access sa telepono mo.
Di gaya ng mga password, sa mga device mo lang mananatili ang mga passkey. Hindi maisusulat o maibibigay sa bad actor nang hindi sinasadya ang mga ito. Kapag gumamit ka ng passkey para mag-sign in sa iyong Google Account, pinapatunayan nito sa Google na may access ka sa device mo at maa-unlock mo ito.
Mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa 2-Step na Pag-verify
Nagdaragdag ang 2-Step na Pag-verify ng isa pang hakbang, pero karaniwang mabilis at madali ito.
Baka ginagamit mo na ang 2-Step na Pag-verify para sa ilan sa iyong iba pang online na account.
Available lang ang mga ganitong uri ng mga backup pagkatapos i-on ang 2-Step na Pag-verify.
I-store o i-print ang mga backup code
Kung hindi mo magamit ang iyong telepono, makakatulong ang mga backup code na makabalik ka sa account mo. Puwede kang mag-download ng mga backup code sa isang device o mag-print at mag-store ng mga iyon sa isang ligtas na lugar.
Makakuha ng mga code sa isang app
Puwede kang makakuha ng mga code para mag-sign in sa iyong account, kahit na hindi ka makatanggap ng mga text message. Alamin kung paano i-install ang Google Authenticator app para makakuha ng mga code sa iyong telepono.
Mag-set up ng security key
Ang mga security key ay isa sa mga pinaka-secure na ikawalang hakbang na magagamit mo sa iyong Google Account. Alamin kung paano gumamit ng security key.Kung nawala mo ang iyong telepono o hindi mo ito hawak, puwedeng gamitin ng Google ang email mo sa pag-recover para tulungan kang mag-sign in.
Tiyaking kumpleto ang iyong impormasyon sa pag-recover at up to date ito.
Sa kasalukuyan, puwede mong i-off ang 2-Step na Pag-verify pagkatapos itong awtomatikong ma-on, pero magiging hindi gaanong secure ang iyong account kapag nag-sign ka gamit ang password lang.
Ang 2-Step na Pag-verify ay kakailanganin na para sa karamihan ng mga Google Account sa lalong madaling panahon.